Kabanata XXVII
Ang Prayle at ang Estudyante
Ang Prayle at ang Estudyante
Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata.
Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinata-nong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang makapagsalita nang tapatan o harapan.
Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at alam ng pai ang ibinubunga ng gayong paratang. “Baliw ang sino mang magsabi nang malakas sa kanyang iniisip sapagka’t siya’y magtitiis ng pag-uusig,” ani Isagani.
Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya si Isagani.
Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi rin niya ang katedratiko. “Nguni’t di tayo maguusap dito ng ukol sa ating sarili kaya’t ipinakikiusap ko sa aking katedratiko na ibahin na ang paksa.”
Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon nga nguni’t di raw gaya ng katedratiko ang ibang prayleng Domoniko. At tiniyak ni Isagani ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle. “Binabawasan hangga’t maaari ang pagbibigay ng mga kaalaman sa pagpatay sa sigla at sigasig ng magaaral. Walang inihahasiksa amin kundi mga kaisipang luma, mga lisyang simulaing kasalungat ng pagkakasulong. Parang mga bilanggong gobyerno ang mga estudyante. Salat na salat ang mga ito sa natututuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo sa pagkaing inirarasyon ng nakasubasta sa pagpapakain”. At sinabi ni Isagani na parang may sabuwatan ang pamahalaan at ang mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan ang mga ito.
Napakagat-labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani.
“Hindi, Padre,” ganti ni Isagani. “Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto pagka’t baling araw ay magpapahayag kami ng paglaya. Ito’y pagtanggi na ang bilanggo ay pakanin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang kalayaan ay katambal ng tao at, gayundin, ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na maging amin iyan ang dahilan ng kawalan naming ng kasiyahan”.
“Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang,” anang Pari. “Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon”.
Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. “Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang mga estudyante ay mgawalang dakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong nagturo sa amin sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi mga sira siya’y napakatanga marahil.”
“O masama at marumi ang putik na ginagamit?”
“Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa pagtangap kabayaran….. at di lamang hangal , mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapakipakinabang.”
Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon lamang siya nakaranas niyon—pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang. Anang kura: “Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na nagpanaog ng hatol na pagkabilanggo… Kami’y napapagitna sa dalawang sibat sa inyo at sa pamahalaan . Kung ano ang utos sa amin ay siya naming sinusunod. Ang nag-uutos sa pagpapaputok ay masasabung siya na ring naglalagay ng balas a kanyon”.
Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan. Nangatwiran ang katedratiko. “Ang ibig kong sabihi’y may mga batas na mabuti ang layon nguni’t masama ang ibinubunga. Upang maiwasan ang isang pagdaraya ay nagpapatibay ng maraming panugpo na pinaglalaruan lamang ng mga mamamayan. Maglagda kayo ng isang batas, kahit sa Espanya, at pag-aralan ng mga tao kung paano ito madaraya. Nguni’t nalalayo tayo tayo sa paksa… Kaya sasabihin kong ang masamang ugali ninyo ay di dapat isisi sa amin ni sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag n gaming kapisanan. Ang naghahangad magpatotoo ng lahat ay wala isa mang napatutunayan. Ang mga kapisanan ay nawalan ng pg-iingatdahil sa umaapaw na kasaganaan”.
“Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil ito’y hinahadlangan.Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalangpinag-aralan at kamangmangan. Kami’y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo ang aming kahihiyan”.
No comments:
Post a Comment