Sunday, September 1, 2013

El Filibusterismo Kabanata 33 (Buod)

Kabanata XXXIII
Ang Huling Matuwid
Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na ang kanyang dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan siya ng mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.
Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio. Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo Sasanib na raw siya kay Simoun.
Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.
Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon sana’y nagkatulungan na ang mga nasa sa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.Sa mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga katulong. Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila ang paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila.
Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa laboratoryo. Sa mesa roon ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni Simoun ang mitsa. Bakal na may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas. Binuhusan ito ni Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido – nitroglisirina.
Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si Basilio. Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na kasangkapang inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nito’y mangungulimlim at kapag ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan.
Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng pangangasiwa.Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan. . Kukunin nila sa tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng kalaban at ayaw sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na siya ng tatlo’t kalahating buwang pagkabilanggo.Nais niyang maghiganti.

No comments:

Post a Comment