Sunday, September 1, 2013

El Filibusterismo (Mga Tauhan)

Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.        

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
       
Mga Tauhan:
  

SimounAng mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

IsaganiAng makatang kasintahan ni Paulita
  
BasilioAng mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang TalesAng naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle

Tandang SeloAma ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong PastaAng tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zaybAng mamamahayag sa pahayagan

Placido PenitenteAng mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre CamorraAng mukhang artilyerong pari

Padre FernandezAng paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre FlorentinoAng amain ni Isagani

Don CustodioAng kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre IreneAng kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito PelaezAng mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

MakaraigAng mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

SandovalAng kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya VictorinaAng mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita GomezKasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

QuirogaIsang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

JuliAnak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana BaliNaghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana PenchangAng mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong LeedsAng misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

ImuthisAng mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

No comments:

Post a Comment