Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara | ||
Buod Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong. Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de EspadaƱa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao. Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de EspadaƱa, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil. Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap. Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente. Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria. |
Sunday, September 1, 2013
Noli me Tangere Kabanata 60 (Buod)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment