Kabanata XXXII
Ang Panghugos | ||
Buod Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo. Aito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay. Tinignang mabuti ni Nor Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangganghanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila. Sinabi ng taong madilaw kay Nor Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at magbilad sa araw ang kanyang mga tauhan;marunong ding gumising ng mga natutulog at magpatulog ng gising. Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay mga guro at mag-aaral. Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng batogn na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga. Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang alkalde. Pagdaka’y isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle , mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya. Dahil sa biro nio Kapitan Tiyago at amuki ng alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra. Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay. Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan ng mga biga na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nor Juan. Pero, nakiusap si Iabarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit. Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang simula. | ||
Sunday, September 1, 2013
Noli me Tangere Kabanata 32 (Buod)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment